Davao City High School Batch 1988 Taga City High ka Bai`?
  • Araw ng Mga Kababaihan!

    Filed under dchs88
    Mar 7

    Araw ng mga Kababaihan!

    Ngayon nalalapit ang Araw ng mga kababaihan, nais kong ipagdiwang ang araw na ito sa pagsaludo sa lahat ng babae sa buong mundo.

    Image hosted by Photobucket.com

    Sa paglipas ng taon, ang kahulugan ng pagiging maganda ay nagbago. Mula sa pananamit, kulay ng buhok, hanggang sa hugis ng katawan. Binago ng modernong teknolohiya ang pananaw ng mga kababaihan sa salitang maganda. Ngunit marami pa rin ang naniniwala na ang pagiging maganda ay mula sa ibat-ibang hugis, laki, kulay, edad at kung ano ang nasa iyong kalooban.

    Aleta, Alma, Xenia, Am-am
    Annie, Tuesday, Ali, Pearly Joan
    Beverly, Cherryl, Titit, Carmel Joy
    Christine, Cherlyn, Darlyn

    Ang pagiging maganda ay di lamang para sa mga modelo or artistang nakikita natin sa telebisyon o pahayagan. Di rin ibig sabihin na di ka maganda kung mataba ka, matanda ka na, o kung ang baywang mo ay tatlumpot lima at isang daaan labinglima naman ang bigat mo.

    Elly, Evelyn, Hazel, Geneliza
    Genevive, Gina, Elvie, Haidee, Hazel
    Jinky, Janice, Josephine, Jovie, Joy
    Kittle, Claudine, Chiqui, Leslie, Leah, Love Joy, Lulyn

    Hindi ito ang basehan ng pagiging maganda. Ang pagiging maganda ang galing sa iyong kalooban, sa iyong araw araw na ginawa para sa kapwa o mula sa iyong isip, salita at gawa. Nasa iyo ang lahat ng kagandahan at nasa iyo na rin kung paano mo iyan pagagandahin pa.

    Marichu, Marie. Menchie
    Mercy, Teena, Nenita, Armi,
    Perliray, Debbie, Pom-pom, Gina
    Florence, Sandie, Grace, Sharon, Sybil, Talek,
    Stella, Peewee, Weng, Mary-Ann

    Yan ang nais iparating ng mga taong gumawa ng Campaign for Real Beauty ang Dove Self Esteem Fund. Ang mga babaing nasa komersyal hindi mga propesyonal na modelo o aktor. Sila ay mga simpleng batang babae na gustong iparating ang kanilang pananaw kung ano ang maganda sa kanila.

    And I’ll see your true colorsShining throughI see your true colorsAnd that?s why I love youSo don?t be afraid to let them showYour true colorsTrue colors are beautiful,Like a rainbow

    Sa lahat ng babaeng kilala ko, nakilala ko, bumabasa nito, sa lahat ng lola, nanay, tita, ate, pinsan at sa lahat ng babae sa mundong ito, isang saludo sa inyong lahat!

    Maraming salamat sa inyong lahat!

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.

Welcome to DCHS88 Egroup


1. Aileen Duremdes
2. Rean Tirol
3. Araceli Hinacay - Robiso
4. Alvin Boncato
5. Hadrian Decena
6. Walter "Peewee" Espejo
7. Leo Arapan Derayal
8. Alex Cabunita
9. Ferdinand Jorge
10. Alejandro "Jun" Estrada