-
High school life every memory kay ganda….
Filed under dchs88Dec 30High school life every memory kay ganda….
Ilang taon na ang nakaraan ng matanggap ko ang aking diploma sa hasykul. Pero ilang taon man ang lumipas tandang tanda ko pa ang araw na iyon.
High school days, oh my high school days Are exciting, kay saya.
There are times, may problema ka Kung ang homework, left undone.
Naalala ko sa Algebra class namin. Takot na takot kami tuwing martes. Terror ang tawag namin kay Mrs. Valdestamon. Pag Martes kasi, inilalatag nya ang seatplan at ihuhulog na nya lang bigla ang chalk sa seatplan. Kung sa pangalan mo mahulog ang chalk, magdasal ka na at papalutasin ka ng isa sa mga mahihirap na algebra equation.
Pray ka lang, ‘wag tawagin ka Upang di pagtawanan
High school love my one high school love Not infatuation or crushHalos lahat naman siguro tayo nagkaroon ng ultimate high school crush. Naging bulong bulungan noong second year high school kami na meron saw kaming kaklaseng lalake hazel eyes daw. Naintriga ako at sa aking panaliksik siya naging ultimate high school crush ko.
Tunay ‘to s’ya ang buhay ko Di n’yo lang alam ako’y nagba-blush
Bakit nga ba ang first love ko Ay di serious, so it seems
Halos lahat ng pagpapakyut ay ginawa ko na ngunit wa epek pa rin sa kanya. Kung alam lang ng first love ko He is always in my dreamsAng saya ng high school Same in yours and my school Di na mapapantayan
Masaya ang hayskul namin. Sa publikong paaralan kami nagtapos ngunit hindi ito naging hadlang sa aming pag-aaral. Marami akong natutunan sa aming paaralan.
T’yak ganyan ang buhay na sadyang makulay Alaala kaylan man
Kaibigan. Isa sa mga mahahalagang bagay na natutunan ko noong high school. Mga naging kaklase, kasama sa isang organisasyon, kasabay kumain sa kantina, mga taong naging malaking bahagi ng buhay ko. Sila ang nagtulong tulong sa paghubog kung sino at ano ako ngayon. Sa aking araw araw na pakikipagsalimuha ko sa kanila, natutunan ko ang mga bagay na hindi ko matutunan sa loob ng silid aralan, sa mga librong nabasa ko o maging sa mga leksyon na tinuro ng aming mga guro.
High school life, on my high school life Ev’ry memory, kay ganda
High school life, ba’t ang high school life Ay walang kasing saya?
Maganda ang sinag ng araw. Halos wala akong tulog sa sobrang excitement. Dali dali akong naligo at nag sipilyo ng ngipin. Pasipol sipol pa ako paglabas sa banyo. Ang sarap ng pakiramdam ko noong araw na yun.
Bakit kung Graduation na’y Luluha kang talaga?
Sa huling pagkakataon suot suot namin ang aming kulay berdeng uniform. Mababakas sa aming mga mukha ang halong saya at lungkot sa mga oras na iyon. Walang katiyakan kung ano ang nag aantay sa amin, kung saan kami patutungo, kung anong kinabukasan meron kami.
Last December 2003, umuwi ako sa Davao at dumalo sa aming high school reunion. Buti na lang at wala si ultimate crush at ang kanyang nagdadalantaong maybahay. Sa katunayan pa nga naging klasmeyt ko pa yung asawa nya noong 1st year high school kami. Karamihan sa kanila lumaki, meron din pumayat, merong nagpakulot, nagpatuwid ng buhok. Iilan din sa kanila ang walang buhok, walang ipin at konti na lang kaming walang asawa. Pero magbago man ang anyo naming lahat, ngunit hindi magbabago ang aming pagkakaibigan.
Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.

